Actual na pagbabakuna sinaksihan ng ating Ama ng Bayan upang makita ng personal ang gagawin pagbabakuna.

Kanyang sinisiguro na walang magiging peligro at mismong ang mga doktor ng ospital na ang nagsabi sa ating Mayor na wala naman silang naramdamang kakaiba at kung meron man ay pangkaraniwang epekto ng bakuna.

Sunod sunod na ang ginawang pagbabakuna matapos maisagawa ang mga proseso na sinaksihan ng representante mula sa Provincial DOH.

Ipinapakita ng pamahalaan kung gaano kahalaga ang bawat mamamayan ng Guimba at ayaw ng ating Mayor na sila ay mangamba at sa boluntaryong pagpapabakuna ng mga kawani ng ospital ay masasabi nating walang dapat ipagalala ang ating mga kababayan.

Ang naturang pagbabakuna ay nakaukit na sa kasaysayan ng Guimba sapagkat ito ang unang una sa ating bayan sa panahon ng pandemya.

Manalig tayo at magtiwala sapagkat ang inyong pamahalaan kailanman ay hindi kayo iiwan at bibitawan. Kasama nyo kami patungo sa bagong yugto ng buhay.

#GuimbaKongMahal