Sana humaba pa ang ating countdown o kaya tuluyan na natin puksain ang Covid 19 na yan. Pakikipagtulungan ng mamamayan sa pamahalaan lang naman ang kailangan.

Ingat po tayo mga kababayan may pamilya kang uuwian.

Simple lang para mapanatili natin ang estadong ito.
1. Report mo sa barangay kung may kapitbahay kang kadarating lamang o magreport ka kung ikaw yun dumating.
2. Sawayin ang mga pasaway at pls wag ka ng dumagdag.
3. Magsuot ng facemask kung lalabas ng bahay. Mas mainam ang face mask kaysa tubo ng oxygen pag nagka covid.
4. Dumistansya ng isang metro. Mas mahirap kung mahawa ka at lalayuan ka ng mga kaibigan mo ng sampung metro o isang kilometro.
5. Iwas muna sa face to face chismis. Pwede naman online sa messenger.
6. Alcohol agad o maghugas ng kamay.
7. Mas mainam na ang sumunod kaysa ikaw yun susunod na magka covid.

#PatagalinNatinChallenge
#GuimbaKongMahal