Covid 19 update mula sa ating MHO bantay kalusugan bantay covid:Sampu (+10) ang naitalang positibong kaso ng Covid sa ating bayan. Labin dalawa (12) ang na swab ngayong araw.

Si Patient No. 127 ay 34 taong gulang isang nurse sa isang ospital sa Tarlac at naninirahan sa barangay San Miguel. Hindi pa matukoy ang kanyang exposure dahil sa kanyang trabaho. Kasalukuyan syang nasa isolation unit upang ma contain ang sakit at naka schedule na sa swab ang kanyang mga kasambahay na naka kwarantina na.

Si Patient No. 128 ay 71 taong gulang at may history of travel sa isang ospital sa Tarlac. Sya ay mula sa barangay San Miguel at naka admit sa isang ospital sa ating bayan.

Si Patient No. 129 ay 69 taong gulang walang history of travel, close contact ni Pt No. 128 (nagbantay) at naka hospital quarantine sa isang ospital sa ating bayan. Sya ay mula sa Barangay San Miguel.

Si Patient No. 130 ay 73 taong gulang may history of travel sa isang ospital sa Tarlac at close contact ni Pt No. 128 (nagbantay). Kasalukuyang naka hospital quarantine sa ospital dito sa ating bayan. Mula sa barangay San Miguel.

Si Patient No. 131 ay 56 taong gulang close contact ni Pt No. 128 sapagkat sya ang nagbabantay dito. Kasalukuyang naka hospital quarantine sa isang ospital sa ating bayan. Mula sa barangay San Miguel.

Si Patient No. 132 ay 59 taong gulang isang midwife, may history of travel sa Cabanatuan, mula sa barangay Pacac at kasalukuyang naka admit sa isang ospital sa Tarlac. Close contact ni Pt No. 123

Si Patient No. 133 ay 36 taong gulang isang clinic assistant at walang history of travel, mula sa barangay Pacac at kasalukuyang naka kwarantina sa kanilang bahay. Close contact sya ni Pt No. 123.

Si Patient No. 134 ay 9 na taong gulang walang history of travel, mula sa barangay Pacac at close contact ni Pt No. 123. Naka kwarantina kasama ang kanyang ina na si Pt No. 133.

Si Patient No. 135 ay 32 taong gulang alagad ng batas na nakadestino sa Cuyapo, mula sa barangay Pacac at kasalukuyang nasa Home quarantine habang hinahanapan pa sya ng maaaring pasilidad na mapagdadalhan. Close contact ni Pt No. 123

Si Patient No. 136 ay 2 taong gulang mula sa barangay Pacac at close contact ni Pt No. 123. Nakakwarantina na kasama ng kanyang ina na si Pt No. 133.Lubhang nakababahala na ang bilang ng mga nagpopositibo kahit na anong gawin ng pamahalaang lokal. Mabilis natin naaaksyunan agad ang mga nairereport sa ating bantay covid (RHUs) upang hindi na kumalat pa ang sakit subalit may mga balakid na kailangang itama katulad ng hindi agad naipagbibigay alam na mga impormasyong kritikal sa ating gawaing mapigilan ang pagkalat ng sakit. Makakaasa ang sambayanan na aaksyunan ng LGU sa lalong madaling panahon ang mga nagiging sagabal sa ating hangarin na ma contain ang sakit.

Ipinagutos ng ating Ama ng Bayan na agad mapadalhan ng tulong (pagkain at pangangailangan) ang mga biktimang walang kakayahan sa buhay. Nag schedule na din ng disinfection sa mga lugar upang ma decontaminate at matukoy ang lahat ng close contact upang masiguradong hindi na ito kakalat pa sa iba.

Isama po natin sa panalangin ang mga naging biktima ng mapamuksang sakit.