Naiuwi na ng ating ospital ang mga bakunang gagamitin para sa mga medical frontliners matapos mairelease sa pagtutulungan ng Provincial DOH, Provincial Health Office at Guimba Community Hospital (GCH Lying In).

Sa dokumentasyon ng pagsasalin ng mga bakuna sa allowed refrigerated unit bilang storage unit ay matamang inobserbahan mismo ng Hospital Head Doc Manuel Galapon kung ang temperatura ba ay hindi nagbabago sapagkat sensitibo ang mga bakunang ito at imomonitor ito ayon sa schedule na nakapaskel sa storage unit.

Kasabay nito ay ang paghahanda sa vaccination station na may mga pagdadaanang section. Ayon kay Doc Manny na ang kanilang station ay makukumpleto bukas araw ng lingo bago pa man maganap ang pagbabakuna sa mga empleyado ng ospital maging ang mga frontliners mula sa tatlong RHU na tinatantyang maisasakatuparan ngayong parating na martes petsang Marso 16, 2021.

Nagagalak ang ating Ama ng Bayan sapagkat nakatuntong na tayo sa panimulang bahagi ng ating pagtahak patungo sa new normal. Kanyang inaasahan na ang mga paghihirap ng pamahalaang lokal ay magbubunga ng kalayaan ng mamamayan sa mga restriksyon at limitasyong dulot ng pandemya.

Inyong masasaksihan ang magaganap na pagbabakuna sapagkat aming ilalathala dito lamang sa ating opisyal na pahina. Manatiling nakatutok sa ating mga ibabalita.

YES to BakunaPara tayo ay makahulagpos na sa pandemya

#GuimbaCommunityHospital#GuimbaKongMahal