Mga samahan ng patubig ng NIA UPRIIS nakatanggap ng Desk Top computer Units mula sa Pamahalaang Bayan.

Pinangunahan ni Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ang pamamahagi ng Desk Top computer units at printers ang labing apat (14) na samahan ng mga patubigan NIA UPRIIS, na kanilang magagamit para sa Recording Processes ng kani kanilang mga tanggapan sa ibat ibang lugar ng Guimba Irrigation System.
Ito ay magpapalawig sa epektibong serbisyo ng patubig sa ating mga magsasaka at mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Buong pusong sumusuporta ang Pamahalaang Bayan sa sektor ng agrikultura sapagkat dito nakasalalay ang ibayong pagunlad ng ating pamayanan.

Sa Guimba, kapakanan ng mamamayan ang siyang una.

#KaunlaranCaresagrikultura
#GuimbaKongMahal