Lahat ng paraan gagawin ng ating punong bayan upang mabigyan kayo ng pandugtong buhay at pagkakakitaan.
Sa ilalim ng Jobs and livelihood generation program at sa suporta ng DSWD at Provincial Government, ibinigay na ang allowance o bayad para sa 250 Cash for Work beneficiaries.
Namigay din ng sariwang gulay mula sa ating ama ng lalawigan Gov Oyie Umali.
Nag courtesy call sa ating Mayor ang DSWD region at province na sinamahan ng mga tauhan ng probinsya at tumuloy na sila sa pamamahagi ng gulay at nagbayad na sa 250 kataong benepisyaryo ng Cash for work. Sila ay inasistehan ng ating MSWDO Lina Corazon Garampil kasama ang mga daycare workers ng Guimba.
Tuloy tuloy na pagbibigay ng serbisyong mula sa puso at may pagmamalasakit ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at Gov Aurelio Oyie Umali.