Sa paggunita sa araw ng kalayaan ating nilay nilayin ang ating kalagayan. Tayo ay nahaharap sa isang matinding pandemya na gumagapos sa ating karapatang kumilos at makapaghanapbuhay ng malaya, sa ating karapatang mabuhay na walang pangamba.
Ating pag-isipang mabuti kung paano tayo lalaya sa ganitong panahon at kundisyon? Paano natin tatahakin ang bukas at paano natin malalagpasan ang lahat?
Katulad ng mga bayaning nagsakripisyo katuwang ang mamamayan upang makamit natin ang kalayaan, hindi bat PAGKAKAISA, PRINSIPYO at DISIPLINA ang kanilang pinairal sa kanilang panahon.
Maaari naman nating simulan ngayon. Kung hindi KA sasangayon at makikipagtulungan SINO pa kaya? Kung hindi mo sisimulan ngayon KAILAN kaya matatapos ang ganitong kalagayan?
Alam naman natin ang kasagutan. Disiplina ang kailangan at pakikiisa. Makakalaya tayo sa pandemya.
Bigyang kahulugan ang araw ng kalayaan!!

#GuimbaKongMahal#DisiplinaMuna#IndependenceDay2021