Upang makatiyak na palaging ligtas ang pamilihang Bayan ay ipinag-utos ni mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon na palaging isagawa ang flushing at disinfection tuwing araw ng Linggo, sa tulong ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection. Ito ay napakahalaga upang mailayo sa panganib ang lahat nating kababayan na mangangalakal at mga mamimili, sapagkat patuloy pa ring nakaamba ang panganib ng Covid 19.

Hindi dapat magpaka kampante ang sinuman sapagkat naririyan pa rin ang kakaibang kalaban bagamat bahagya nang nabuksan muli ang daloy ng ekonomiya. Hangad ng Ama ng Bayan na lubusan tayong mailigtas at makalalaya sa banta ng pandemya kung kayat patuloy pa rin ang mga hakbangin upang matagumpay na malusutan ang hamon na Ito.

Kayang-kaya basta sama-sama 👌

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal💚